Monday, March 2, 2009

para sa mga taong malayo sa kanilang mahal

  1. Nov. 24, 2008- Ito ang araw ng umalis ang asawa ko papuntang dubai para magtrabaho. Sabi nung iba mas mabuti daw ang magtrabaho sa ibang bansa dahil mas malaki ang oprtunidad na umasenso kumpara dito sa pinas. Sa tingin ko tama kaso ang pagtatrabaho na malayo sa mahal mo ay napakalungkot na sitwasyon. Gaya ng nararamdaman ko. Napakahirap malayo sa taong mahal mo. Kahit na pansamantala lang ito mahirap pa din... as in sobrang hirap at pagtitiis. Madami satin dumadaan sa ganitong sitwasyon. Na kailangan pang lumayo para lang maibigay ang buhay na maginhawa at maitaguyod ng maayos ang pamilya at makapag-ipon. At ang iba kahit di gustuhin alam ko dito nagsisimula mawasak ang isang pamilya. Dahil sa pangungulila ng iba sa kanilang mahal sa buhay humahanap sila ng mapaglilibangan, makakasama at matatakbuhan pag kinailangan. At dahil na din sa layo ng mga mahal nila hindi nila alintana kung meron ba silang masasaktan o masisirang pamilya. Wag tayong magpakaipokrita pero totoong nangyayari ang mga ganitong bagay. Sabi ko nga sa asawa ko sana mga ilang months lang makuha na din nya ako... ito ay hindi para sundan cya dun kundi para maalagaan, para masuportahan at para magkasama kami. hindi imposible ito sa amin kase wala naman kami anak. Sa totoo lang natatakot din akong humantong sa wala ang pagsasama at pagmamahalan namin. At ayokong masira yun ng isang pagkakamali, ng isang pangungulila, ng paghahanap... ayoko matulad sa iba... Mahal ko asawa ko... as in sobrang mahal... Kaya ayoko ng ganitong pakiramdam... malungkot mabuhay na malayo sa taong mahal... Lagi ko pinagdadasal na maging maayos ang lahat sa asawa ko. Ang kanyang hanapbuhay, kalusugan, at bigayan cya ng lakas ng loob na harapin ang hamon ng buhay sa ibang bansa. At lagi ko din pinagdadasal na makuha na nya ako at magkasama na din kami ulit at doon magkasama naming haharapin ang mga hamon ng buhay... na magkasama at nagmamahalan...

No comments:

Post a Comment